Talambuhay

Isinilang si Amparo Portilla Crespo sa Valencia, Espanya ng Mayo, 1925. Siya ang panganay sa apat na magkakapatid. Nang yumao ang kanyang ama, na napatay sa Digmaang Sibil sa Espanya, nang si Amparo ay labindalawang taong gulang pa lamang, siya y nagkaroon na ng Matandang isip gayong bara pa, at nagdanas ng madlang kahirapan sa buhay.


Nagtapos siya ng Haiskul sa Paaralan ng Kamahal mahalang Puso sa Godella, Valencia noong ika- 25 ng Mayo 1943. Dito ay nagtamo siya ng isang medalyon ng mga Anak na Babae ni Maria. Sa okasyong ito, pinili niya ang kasabihan na Inay, ilayo mo po sa akin ang anumang magiging dahilan ng paglayo ko sa Iyo.


Naging matapat siya sa kasabihang ito sa buong buhay niya. Lagi siyang nakipag- ugnayan sa mga madre sa Paaralang iyon at palagi siyang nagtataglay ng taimtim na pag-ibigt at pasasalamat sa kanila dahil sa pagmamahal at mabuting edukasyon na humubog sa kanya sa tulong ng mga madre.


Ang buwan ng Mayo, na buwan ng Mahal na Birhen, ay nakakabit sa mahahalagang pangyayari sa buhay niya. Isinilang siya sa buwang ito at bininyagan din. Tumanggap siya ng Unang Banal na Komunyon.


Idinaos ang kaarawan ng kanyang Santo at siyay yumao sa buwan ding ito. Nag-aral si Amparo ng pagtututo at Pag-aalaga ng mga Bata at matiyagang nagturo ng Katesismo sa Parokya ng Santa Cruz, isang maralitang lugal sa Valencia. Dito siya naglingkod sa mga mahihirap na kabataan. Noong 1950, nagpakasal siya kay Federico Romero at doon sa Madrid sila nanirahan. Maligaya ang pagsasana nila at nagkaroon sila ng labing-isang mga anak, na minahal at inaruga ni Amparo nang buong puso.


Mapagpasensiya, maunawain, napakasipag,palaging masayahin at mapagbigay; nagdulot siya ng magandang halimbawa ng isang mabuting buhay Kristiyano.Palaging nagpapasalamat siya sa Panginoom sa mga biyaya Niya, na ipinapalagay niyang di siya karapatdapat.


At inialay niya ang anumang kahirapan na naranasan niya para sa mga taong higit na naghihirap. Hindi niya pinalalampas ang isang pagkakatan na tumulong sa kapwa, lalo na sa mga maralitang walang tahanan, nagdarahop, mga maysakit at sa mga kaluluwang napalayo sa Diyos. Hindi niya kailanman kinalimutan ang mga kabilang sa huling grupo na di tumutupad sa pagsamba at natutuhan niyang kilalanin ang mga mabubuting ugali nila at di gaanong pinapansin ang kanilang pagkukulang. Hindi rin siya nagtatanim ng pagkamuhi sa kapwa kahit na siya'y sinaktan nila. Sa halip, lagi niyang pinatatawad at ipinamamalas sa kanila ang pag-unawa at pagmamahal.


Noong Pebrero 1994, si Amparo ay nagkaroon ng kanser sa baga at tinanggap niya nang mahinahon ang winika ng doctor at itinuring niya na ang kanyang sakit ay isang paraan upang siya at ang mga taong nasa tabi niya ay lalong mapalapit sa Panginoon.Tinanggap niya nang buong lakas-loob ang kalagayang ito at sa palagay niya ay nagdulot ng lubos na pag-ibig sa mga taong nasa paligid niya.


Hindi nagbago ang kanyag pap-aalala para sa problema ng iba sa mga pangyayari sa lipunan .Tiniis niya ang mahabang panahon ng gamutan na-hindi siya nagreklamo kahit minsan. At inialay niya sa Diyos ang kirot at hirap at patuloy na tumulong siya at minahal siya yaong mga nag-alaga sa-kanya.


Sa wakas, namatay siya nang madaling araw ng ika-10 ng Mayo 1996 sa kanyang tahanan sa Madrid. Sa mga huling araw bago siya yumao, madalas na nakatitig siya sa larawan ng Mahal na Birhen, Ang Birhen ng mga Walang Mag-ampon na siya ng patron sa Valencia at nag-iwan siya ng kagandahang-loob at